Now Playing Tracks

Happy New Year!

REPOST: Painless Bagong Taon Ngayon ang huling araw ng taong 2012. Huling araw na nga e. Mag-ingat na tayong lahat at huwag na tayong humirit na masaktan pa. Heto ang ilang payo para maging masaya at matiwasay ang bagong taon ng lahat, may paputok man o wala. Enjoy.

1.) Huwag nang gamitin ang mga ipinagbabawal na mga paputok na sobra kung pumutok. Wag maging matigas ang ulo. Ilan dito ay ang Bomba ni Bin Laden, Goodbye Philippines, Pacquiao, Goodbye Gloria, at Watusi ni Chuck Norris.

2.) Makuntento sa mga improvised na mga paingay tulad ng mga tambol, kaldero, busina, torotot, sigaw, ringtone, hilik, at utot.

3.) Mag-share ng food. Masarap ang fruit salad, leche flan, at hamon.

4.) Iwasan ang mga pagkain tulad ng kalamay, suman malagkit, at kulangot kung magpapaputok. Baka dumikit sa daliri ang Goodbye Philippines niyo.

5.) Wag nang magpa-star sa paggawa ng stunts tulad ng pagpapaputok habang hawak mo ang maliit na paputok. Minsan, nakakahanga talaga. Pero hahanga lang ako pag fountain ang hawak mo.

6.) Ang kwitis ay pinapalipad. Hindi ito sinisindihan at pinapagapang sa kalsada. (Uy, nagka-idea sya.)

7.) Palaging i-head count ang mga daliri para makasigurong kumpleto pa ang mga ito.

8.) Ilayo ang Sinturon ni Hudas sa mga nag-iihaw.

9.) Mas safe magpaputok ng pimples. Pwede yun kahit indoors.

10.) Bawal sa indoors ang mga bonggang fireworks.

11.) Kung kaka-break niyo lang ng syota mo, wag magpakamatay. Magpatama ka na lang sa mga ligaw na bala para hindi magmukhang suicide.

12.) Gusto mong tumangkad? Pagpatak ng alas-dose, tumalon talon ka sa harap ng salamin habang may hawak na apple at pakwan.

13.) Maki-uso sa mga taong bumabati ng happy new year sa text at batiin mo ang lahat ng nasa contacts mo. Kung hindi ka pa unli, wag ka nang magtangka pa. Sobrang hirap na mag-unli ngayon. Pramis.

14.) Kung gusto mong pagtripan ang sarili mo, eto. Hintayin ang 12:00 am upang masalubong ang bagong taon. Pagpatak ng 11:59 pm, matulog ka na. Pagtawanan ang sarili kinabukasan.

15.) Wag masyadong magbabad sa computer. Mag-Hello ka man lang sa pamilya mo.

16.) Alamin ang pinakamalapit na ospital para sure. Mag-imbak na rin ng betadine at band aid para sure. Kung di rin lang marunong, huwag nang tahiin ang sariling sugat. Para sure.

17.) Kapag nakalunok ng kahit anong pulbura o paputok (watusi, five star, kwitis, fountain), palunukin ng walo hanggang sampung puti ng itlog (egg white, hindi yung shell tange) at dalhin sa pinakamalapit na ospital.

18.) Kung gusto mo ng ultra hardcore astig na damage sa sarili mo. Hindi mo kelangan ng paputok. Magpaiwan ka sa mahal mo, ayos na yon.

19.) Enjoy the Holiday Season. Astig.

A guy who randomly visits your house just to see you, who make time just to bring you foods and stuff even if he really have a busy sched and always going home late, guy who calls you at the middle of the night just to say he’s outside your house and trying to tell you he wants to talk to you personally, guy who’s not afraid to tell not just you but everyone he knows how much he wants and love you, guy who prays to have you, guy who’s not scared to meet your parents and lastly guy who will do everything just to have you.

Oh my goodness what will I do to you, what have I done :(

(Source: dyamante)

We make Tumblr themes